Panukalang isinumite ng DA sa Malacañang para maibalik ang kapangyarihan ng NFA, agad tutugunan ng Kamara

Tiniyak ng liderato ng Kamara na agad itong tutugon sakaling maisumite na sa Kongreso ang panukalang isinumite ng Department of Agriculture (DA) sa Malacañang na layuning maibalik ang kapangyarihan ng Natinal Food Authority (NFA).

Ayon kay House Speaker Ferdinand Martin Romualdez, saklaw ng kapangyarihang ito na makabili ang NFA ng palay sa tamang presyo, at tiyakin na sapat ang suplay ng bigas para mapatatag ang presyo nito.

Kasama rin sa draft bill ang price supports, post-harvest facilities, at mas mahusay na ugnayan sa pagitang ng NFA at mga lokal na pamahalaan upang matiyak ang matatag na suplay ng pagkain sa mga komunidad.

Tiwala si Romualdez na ang isinusulong na reporma sa NFA ay magpapababa ang presyo ng bigas, maghahatid ng tulong sa mga magsasaka, at magpapatatag sa sistema ng suplay ng pagkain sa bansa.

Facebook Comments