Panukalang itaas ang parusa sa tobacco smuggling, lusot na sa ikalawang pagbasa ng Kamara

Lusot na sa ikalawang pagbasa sa Kamara ang House Bill 3917 o panukalang ideklara bilang economic sabotage ang smuggling ng sigarilyo at iba pang tobacco product at pabigatin ang parusa nito.

Aamyendahan ng panukala ang ang Section 3 at 4 ng Republic Act 10845 o Anti-Agricultural Smuggling Act of 2016.

Ito ay para maibilang ang tobacco “raw o finished product” sa listahan ng mga agricultural commodities sa bansa.


Tugon ang panukala sa large-scale tobacco smuggling at inaasahang mapipigilan nito ang pagpupuslit ng mga ilegal na tabako sa Pilipinas.

Sa ilalim ng panukala, ay gagawing habambuhay na pagkabilanggo ang parusa sa tobacco smuggling at multa na katumbas ng doble ng halagan ng produktong ipinuslit kasama ang buwis, duties at iba pang charges.

Ang panukala ay inisponsor nina House Committee on Agriculture and Food chairperson Wilfrido Mark Enverga, Ilocos Norte Rep. Sandro Marcos, at PBA party-list Rep. Margarita Nograles.

Facebook Comments