Panukalang itaas ang teaching allowance, pasado sa 2nd reading ng Senado

Pumasa na sa ikalawang pagbasa sa Senado ang Senate Bill No. 1092 o ang Teaching Supplies Allowance Act of 2020 na iniakda ni Sen. Ramon Bong Revilla, Jr.

Nakapaloob sa panukala na mula sa kasalukuyang ₱3,500 ay itataas sa ₱5,000 ang matatanggap ng bawat guro para sa School Year 2021-2022 at 2022-2023.

Ito ay kalaunang tataas sa ₱7,500 para sa School Year 2023-2024; at ₱10,000 para sa School Year 2024-2025 na magpapatuloy hanggang sa mga susunod pang taon.


Ayon kay Revilla, makikinabang sa panukala ang 800,000 pampublikong guro.

Facebook Comments