Panukalang itaas sa P1,000 ang social pension ng maralitang senior citizens, siguradong lulusot sa Senado

Tiwala si Finance Committee Chairman Senator Sonny Angara na aaprubahan ng Senado ang panukalang batas na maitaas sa P1,000 ang kasalukuyang P500 na buwanang social pension ng mga indigent o maralitang senior citizen.

Sabi ni Angara, marami silang senador na naghain ng panukalang batas ukol dito kaya tiyak na makakakuha ng kailangang boto.

Sabi ni Angara, hindi sapat ang P500 kada buwan na ibinibigay ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa indigent senior citizens.


Tinukoy rin ni Angara na batay sa pag-aaral ng Philippine Institute for Development Studies (PIDS), ang kasalukuyang P500 kada buwan na social pension ay katumbas lamang ng 7.5 percent na average na gastos para sa pagkain at kalusugan ng mga lolo at lola.

Dahil dito, iginiit ni Angara na kailangang itaas at palawakin ang pagtulong ng gobyerno sa mga senior citizen upang makatulong sa kanilang pambili ng pagkain at gamot.

Facebook Comments