Panukalang itaas sa P20K ang teaching supplies allowance kada taon para sa public basic education teacher, isinusulong sa Kamara

Itinutulak ng liderato ng Kamara na maipasa ang panukalang itaas sa ₱20,000 ang ibibigay na teaching supplies allowance kada taon para sa bawat public basic education teacher.

Ito ay para matulungan ang mga guro lalo na ngayong may COVID-19 pandemic.

Sa ilalim ng House Bill no. 7744, isinusulong nito na mabigyan ng mas malaking pondo ang mga guro para sa kanilang ipambili ng instructional materials gaya ng chalks, mga papel at iba pang kagamitan sa pagtuturo.


Sakaling maaprubahan, nasa ₱10,000 muna sa unang taon ang ibibigay at tataas ito sa ₱15,000 sa ikalawang taon at ₱20,000 na para sa mga susunod na taon.

Kukuhanin ang pondong ilalaan dito mula sa kasalukuyang budget ng Department of Education (DepEd) kabilang ang mga natirang pondo na tutukuyin ng Secretary of Education.

Facebook Comments