Inaasahang pipirmahan na ngayong linggo ang panukalang batas na magtataas ng buwis sa tobacco products.
Ayon kay Finance Undersecretary Karl Kendrick Chua – ang tobacco tax bill ay priority measure at certified urgent ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa ilalim ng panukala, itataas ang buwis sa mga sigarilyo sa susunod na apat na taon, simula sa 45 pesos sa Enero 2020.
Kada taon ay tataas ito ng limang piso hanggang sa umabot ng 60 pesos sa 2023.
Sa ngayon, nasa 35 pesos kada pakete ng sigarilyo ang ipinapataw ng gobyerno.
Ang makokolektang buwis mula sa tobacco products ay mapupunta sa pagpapatupad ng Universal Health Care Act.
Ang panukala ay ipinasa ng Kongreso sa Malacañan nitong June 27 ay magla-lapse into law sa July 27 kapag walang ginawang aksyon ang Pangulo hinggil dito.