Panukalang itatag ang terminong “West Philippine Sea”, inihain sa Senado

Inihain ni Senator Francis Tolentino ang isang panukala na layong itatag at patanyagin ang terminong “West Philippine Sea”.

Sa ilalim ng Senate Bill 405, ipapangalan ang “West Philippine Sea” o “Kanlurang Dagat ng Pilipinas” sa katubigan, lupa, at himpapawid na sakop ng kanlurang bahagi ng ating kapuluan.

Paliwanag ni Tolentino, ito ay upang palakasin ang pag-angkin ng Pilipinas sa mga pinag-aagawang teritoryo.


Dagdag pa ng mambabatas, mahalaga para sa Pilipinas na magtalaga ng pangalan sa katubigang sakop ng Pilipinas kasunod na rin ng pagkapanalo ng bansa sa UNCLOS noong 2016 laban sa China.

Lumalabas na ang panukalang inihain ni Tolentino ay hango sa Adminstrative Order No. 29 ni dating Pangulong Noynoy Aquino kasunod ng stand-off sa pagitan ng Pilipinas at China sa Scarborough Shoal noong 2012.

Facebook Comments