
Lusot na sa ikatlo at huling pagbasa ng House of Representatives ang House Bill 11144 o panukala na iurong ang unang regular elections sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
198 ang mga kongresista na bomoto pabor sa panukala at apat ang komontra.
Base sa panukala, ipagpapaliban sa May 11, 2026 ang unang BARMM regular elections na nakatakdang ganapin sa May 12, 2025.
Layunin ng panukala na maresolba muna ang mga isyung legal at administratibo kaugbay sa BARMM.
Kasama rito ang edesisyon ng Korte Suprema na hindi na bahagi ng BARMM ang Sulu.
Sa ilalim ng panukala ay papahintulutan ang pangulo ng bansa na magtalaga ng 80 na bago interim members ng Bangsamoro Transition Authority (BTA) na magsisilbi hanggang mahalal ang kanilang kapalit.