Panukalang karagdagang pondo na gagamitin sa COVID-19 contact tracing at testing, kinontra ng White House

Kinontra ng White House ang balak ng ilang Republican Senators na magpasa ng panukalang batas para sa karagdagang pondo sa Centers for Disease Control at Prevention na gagamitin sa Coronavirus contact tracing at testing.

Ayon sa White House, may natitira pang pera sa pondo na inaprubahan noong Marso.

Mayroon ding 25 bilyong dolyar na pondo na ilalaan para sa pagsasagawa ng testing at contact tracing.


Matatandaang una nang kinontra ni US President Donald Trump ang pagsasagawa ng COVID-19 testing dahil nagre-resulta lamang ito ng mas maraming kaso ng virus.

Facebook Comments