Sa botong pabor ng 264 mga kongresista ay inaprubahan na sa ikatlo at huling pagbasa ng Mababang Kapulungan ang panukalang magpapalakas sa kapangyarihan at tungkulin ng Intellectual Property Office of the Philippines (IPOPHIL).
Ito ang House Bill 7600 na mag-aamyenda sa Intellectual Property Code of the Philippines.
Ito ay para pahintulutan ang mga awtoridad ng gobyerno na utusan ang “internet service providers” na i-block ang websites na naglalaman ng pirated contents.
Inaatasan din ng panukala ang IPOPHIL na tumanggap ng mga reklamo at petisyon para alisin ang mga infringed content na ipinost online o kaya ay magsagawa ng site blocking.
Facebook Comments