Manila, Philippines – “Posibleng pagmulan ng diskriminasyon” Ito ang binigyan diin ng Department of Health matapos tutulan ang panukalang kunan ng video ang mga lumalabag sa Executive Order No. 26 o nationwide smoking ban.
Kasunod ito ng pakulo ng ilang Local Government Units na may reward na isang libong piso para sa mga nag-report sa mga lumalabag sa nationwide smoking ban.
Ayon kay Health Spokesman Asec. Eric Tayag – imbes na video, mas mabuting tawagan ng pansin ang establisyementong pinag-yo-yosihan ng mga ito.
Sa ngayon ay tutok ang LGU, PNP at binuong smoking free task force sa panghuhuli lalo na at kanya-kanyang palusot ang mga nahuling nagyo-yosi sa mga hindi designated smoking area.
Kabilang sa mga lugar na mahigpit na ipinagbabawal ang paninigarilyo ay ang mga paaralan, sa mga gusali na may elevators, mga hagdanan; mga lugar na may fire hazards, public at private hospitals at mga restaurant.
Sa mga establisyemento na maglalagay ng smoking area dapat daw na may signage at proper ventilation ito.