Panukalang legalisasyon ng medical marijuana, pasado sa 2nd reading ng Kamara

Manila, Philippines – Pasado na sa ikalawang pagbasa ng Kamara ang panukalang legalisasyon ng medical marijuana.

Sa ilalim ng substitute bill ng House Bill 6517, itatayo ang Medical Cannabis Compassionate Center na pangangasiwaan ng DOH at kokontrol sa pagbebenta ng medical marijuana sa mga pasyenteng nangangailangan nito.

Ang mga kuwalipikadong pasyente na reresetahan ng medical marijuana ay kailangang nakarehistro at bibigyan ng identification card.


Itatatag din ang medical cannabis research and safety compliance facility para mas masusing mapag-aralan ang paggamit ng marijuana bilang gamot.

Binibigyan din ng kapangyarihan ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) para tumulong sa pagbabantay sa pagbebenta at paggamit ng medical marijuana.

Facebook Comments