Aprubado na sa ikatlo at huling pagbasa ang House Bill 5001 na layong bigyan ng libreng college entrance examinations ang mga deserving na high school students.
Sa ilalim nito, minamandato ang lahat ng private higher education institutions na i-waive ang college entrance examination fees ng mga underprivileged graduating high school students at mga high school graduates na kabilang sa top 10% ng kanilang batch.
Inoobliga rin nito ang Commission on Higher Education (CHED) na magpataw ng karampatang parusa sa mga private higher education institutions na hindi magbibigay ng naturang pribilehiyo sa mga natatanging estudyante.
Mababatid na sa pamamagitan nito ay mabibigyan ng pantay na oportunidad ang mga mag-aaral na ipursige ang kolehiyo.
Nakatakda namang isumite ng Kamara ang panukala sa Senado upang talakayin ito.