Panukalang libreng internet sa pampublikong lugar, lusot sa Senado

Manila, Philippines – Sa botong ng 18 mga senador ay lumusot na sa third and final reading ang Senate Bill No. 1277 o ang Free Internet Access in Public Places Act.

 

Nakapaloob sa panukala ang pagbibigay ng libreng internet sa pampublikong lugar tulad sa mga tanggapan ng pamahalaan, pampublikong paaralan, pampublikong transport terminals, pampublikong ospital at pampublikong library.

 

Inaatasan nito ang Department of Information and Communications Technology (DICT) na bumuo ng plano sa pagpapatupad ng programa.

 

Inaatasan din ang DICT na tapusin ang red tape at pabilisin ang proseso sa aplikasyon ng permit at certificates para sa pagtatayo ng imprastruktura at paglalagayn ng kailangang kagamitan sa tulong ng mga ahensiya ng pamahalaan at local government units.

 

Tugon ito sa mga lumabas na reklamo ng telecommunications providers ang bagal ng proseso sa pagkuha ng permit para sa kanilang imprastruktura at kagamitan.

 

Kabilang sa mga may akda ng panukala ay sina senators Bam Aquino, Francis Pangilinan, Manny Pacquiao, Ralph Recto, Joel Villanueva, Cynthia Villar at Grace Poe.

Facebook Comments