Panukalang libreng legal aid sa military at uniformed personnel, lusot na sa House Committee Level

Aprubado na sa House Committee on Justice, National Defense and Security at Public Order and Safety ang pinagsama-sama na sampung panukala na layuning magbigay ng libreng legal aid sa “military and uniformed personnel” o MUP.

Kabilang sa makikinabang kapag naisabatas ang panukala ay ang mga tauhan ng Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP), Bureau of Fire Protection (BFP), Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) at Philippine Coast Guard (PCG).

Base sa panukala, mabibigyan ng libreng legal assistance ang MUPs na may nakabinbing criminal, civil o administrative proceedings sa korte na may kinalaman sa kanilang mga trabaho.


Nagpahayag naman ng buong suporta sa panukala ang mga kinatawan ng Public Attorney’s Office, Department of National Defense (DND), AFP, DILG, PNP, BFP, BJMP at Department of Transportation (DOTr).

Facebook Comments