Manila, Philippines – Lusot na sa ikatlong pagbasa ng Kamara ang panukalang batas para sa libreng matrikula sa mga State Universities at Colleges o SUC’s sa bansa.
Bumoto ang 221 mambabatas sa house bill number 5633 o universal access to tertiary education act.
Bukod sa pampublikong unibersidad at kolehiyo, layon ng panukala na mabigyan ng libreng pag-aaral ang mga estudyante na nasa technical at vocational schools na pinapatakbo ng gobyerno.
Nakapaloob sa panukala ang pagbabawal sa mga SUC’s na kumolekta ng kahit anumang fees mula sa mga estudyante.
Dahil nauna nang inaprubahan ng senado ang bill pag-uusapan na nito sa bicameral conference saka ito ipapasa sa malakanyang para sa approval ng pangulo.
DZXL558
Facebook Comments