Panukalang lifetime validity ng PWD card sa mga may permanent disability, suportado ng CHR

Nagpahayag ng suporta ang Commission on Human Rights (CHR) sa panukala sa Kamara na nagsusulong ng lifetime validity sa person with disability (PWD) cards.

Nakapaloob ito sa House Bill 8440 ni Cagayan de Oro Rep. Lordan Suan kung saan ay gagawing panghabambuhay na ang validity ng card para sa mga PWD.

Ayon sa CHR, dapat lang na gawin nang permanente ang ID para sa mga may permanent disabilities upang hindi na sila mahirapan pa sa proseso ng renewal.


Ang pagbibigay aniya ng lifetime ID card ay maituturing na pagkilala sa kakaibang pangangailangan at sitwasyon ng naturang sektor.

Umaasa ang CHR na agad na uusad ang panukala hindi lang sa Kamara kundi maging sa Senado.

Facebook Comments