Panukalang mag-oobliga sa mga government official na i-waive ang bank secrecy rights, isinusulong sa Senado

Binuhay muli sa 20th Congress ang panukalang batas na mag-oobliga sa mga opisyal ng pamahalaan na i-waive ang kanilang bank secrecy rights.

Sa panukalang inihain ni Senate President Chiz Escudero, oobligahin ang mga public official na magsumite ng written waiver na nagbibigay otorisasyon sa Office of the Ombudsman na suriin ang lahat ng deposits at investments kasama na rito ang mga foreign currency accounts.

Layunin ng panukala na mapalakas ang transparency at labanan ang korapsyon sa hanay ng mga opisyal ng gobyerno.

Layon din ng panukala na maitaas ang tiwala ng publiko sa mga government institutions.

Hindi naman sakop ng bank secrecy rights waiver ang mga nagsisilbi sa honorary capacity.

Sakaling maisabatas, titiyakin ng panukala na walang civil servant, anuman ang posisyon, ang makagagamit ng kanyang opisina para makapagkamal ng pera ng taumbayan.

Binigyang-diin ng mambabatas na bagamat ang bank secrecy law ay may intensyong isulong ang katatagan ng ekonomiya at hikayatin ang pag-iimpok, ito ngayon ay nagagamit para pagtakpan ang mga iligal na yaman at takasan ang pananagutan ng mga opisyal na nahaharap sa katiwalian.

Facebook Comments