Panukalang mag-oobliga sa motorsiklo na manatiling bukas ang headlight ng motorsiklo, isinulong sa Kamara

Isinulong ni Parañaque City Representative Edwin Olivarez ang panukala na gawing mandatory ang pagbubukas ng headlight ng mga motorsiklong bumibiyahe kahit na araw.

Nakapaloob ito sa House Bill 7106 o panukalang Automatic Headlight on Act na nag-aatas sa lahat ng manufacturer, assembler at distributor ng motorsiklo na kabitan ng automatic headlight system ang kanilang motorsikl bago ibenta.

Ang “automatic headlight system” ay isang device na otomatikong nagbubukas ng headlight kapag umandar ang makina ng sasakyan.


layunin ng panukala ni Olivarez na mabawasan ang bilang ng mga aksidente sa lansangan na kinasasangkutan ng mga motorsiklo.

Facebook Comments