Panukalang magbabawal na huwag pakuhain ng exam ang mga estudyanteng hindi pa bayad sa matrikula, lusot na sa Kamara

Sa botong pabor ng 237 na mga mambabatas ay lumusot na sa ikatlo at huling pagbasa ng Mababang Kapulungan ang House Bill 6483.

Nakapaloob sa panukala ang mahigpit na pagbabawal sa mga paaralan na hindi pakuhanin ng pagsusulit ang mga estudyante na hindi pa nakakabayad ng matrikula at iba pang bayarin.

Base sa panukala, dapat unawain ng mga paaralan ang kalagayan ng mga mag-aaral na posibleng nahaharap sa emergencies at iba pang problemadong sitwasyon kaya hindi sila makabayad.


Binibigyang diin sa panukala na responsibilidad ng estado na protektahan at isulong ang karapatan ng mamamayan para sa dekalidad na edukasyon.

Nakasaad sa panukala na dapat ay magsumite ng promissory note ang estudyante na nagsasaad ng pangakong magbabayad habang bibigyan naman ng karapatan ang eskwelahan na huwag magkaloob ng clearance o transfer credential ng estudyante hanggang sa mabayaran nito ang kanyang utang.

Facebook Comments