Manila, Philippines – Inihain ni Senator Grace Poe ang Senate Bill Number 966 na magbabawal sa pagbibigay ng assignments sa mga mag-aaral sa elementarya at sekondarya kapag weekend.
Itinatakda sa panukala ni Senator Poe, weekdays lang o mula Lunes hanggang Biyernes maaring bigyan ng homework ang mga mag-aaral mula kinder hanggang senior high school.
Nakapaloob din sa panukala na ang assignment ay dapat kayang resolbahin o tapusin ng estudyante sa loob ng hindi hihigit sa apat na oas.
Tinukoy ni Poe sa kanyang panukala ang 2009 report ng Organization for Economic Cooperation and Development na nagsabing maliit lang ang naitutulong sa estudyante ng pag-uuwi ng kanilang homework.
Nakasaad din sa report ng nabanggit na organisasyon na hindi garantiya ang pagkakaroon ng homework para tumalino ang estudyante.