Panukalang magbabawal sa substitution para sa umatras na kandidato sa eleksyon, lusot na sa Kamara

Inaprubahan na ng House of Representatives sa ikatlo at huling pagbasa ang House Bill No. 10524 na magbabawal sa substitusyon dahil umatras ang isang kandidato sa halalan.

195 mga kongresista ang bomoto pabor sa panukala at walang komontra.

Amyenda nito ang Section 77 ng Batas Pambansa Blg. 881 o ang Omnibus Election Code of the Philippines.


Layunin ng panukala na patatagin ang electoral system ng bansa at mapigilan na gawing katatawanan ang halalan sa pamamagitan ng pagpapatakbo ng mga placeholder napapalitan kapag patapos na ang panahon ng substitusyon.

Idaragdag naman ng panukala bilang bagong ground sa substitusyon ang permanent incapacity tulad ng permanent incapacity na isang mental o physical impairment na beberepikahin ng isang lisensyadong doktor.

Paliwanag ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez kailangang ikonsidera ang “permanent incapacity” ng isang kandidato upang matiyak na ang mananalo sa eleksyon ay tiyak na makapaglilingkod sa taumbayan.

Facebook Comments