Panukalang magbibigay ng flexible work arrangements, lusot sa final reading ng Senado

Manila, Philippines – Lusot na sa Senado ang panukalang batas na layong gawing “flexible” ang araw at oras ng trabaho ng mga manggagawang Pilipino.

Sa botong 17-0, pwede nang hindi sumunod ang empleyado sa schedule na walong oras na pasok para sa limang araw sa isang linggo.

Nakapaloob rito na maaaring magkaroon ng “mutually agreed voluntary work arrangement” ang empleyado at employer nito.


Makakapili ang manggagawa ng trabaho na mahabang oras pero mas kaunting araw basta maabot nito ang kailangang oras ng trabaho sa isang linggo.

Maliban rito, pinagtibay rin ng Senado ang 48-hour labor limit sa kada linggo habang dapat mapanatili ang umiiral na mga benepisyo kahit mabago ang work schedule.

Una nang naaprubahan sa Kamara ang naturang bill at pirma na lang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kulang para maging ganap itong batas.

Facebook Comments