Inaprubahan ng House Committee on Health ang House Bill 6772 na nagbibigay ng kapangyarihan sa pangulo ng bansa na suspendehin o i-adjust ang nakatakdang pagtataas sa singil ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth).
Nakasaad sa panukala, na base sa rekomendasyon ng PhilHealth board ay maaaring i-utos ng presidente, na ipatigil ang pagpapatupad sa scheduled increase ng premium rates sa panahon ng national emergency, kalamidad o para sa interes ng publiko.
Ang nakatakdang pagtataas ay itutuloy kapag naalis na ang deklarasyon ng national emergency, public health emergency, o national calamity.
Ang panukala ay inihain nina Speaker Ferdinand Martin Romualdez, Majority Leader Manuel Jose Dalipe, Senior Deputy Majority Leader Sandro Marcos, at Tingog Party-list Representatives Yedda Marie Romualdez, at Rep. Jude Acidre.