Panukalang magbibigay ng kapangyarihan sa Pangulo para pabilisin ang transaksyon sa gobyerno, aprubado na sa Senate Committee level

143

Matapos ang unang pagdinig ay inaprubahan na ng Senate Commitree on Civil Service, Government Reorganization and Professional Regulation ang Senate Billl 1844 o panukalang magbibigay ng power kay Pangulong Rodrigo Duterte para pabilisin ang transaksyon sa gobyerno tulad ng pag-iisyu ng permit, lisensya at mga certification.

Ayon kay Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri, bago dalhin sa plenaryo ay hihimayin nila itong mabuti sa Technical Working Group (TWG) at hihingian ng panig ang ilang sektor.

Ang panukala ay tugon ng Senado sa hiling ni Pangulong Duterte na ameyandahan ang Ease of Doing Business.

Sa hearing ay sinabihan ni Zubiri ang Anti-Red Tape Authority (ARTA) na kausapin si Pangulong Duterte at alamin ang mga solusyong nais nito para mapabilis ang nananatiling makupad pa ring transaksyon sa ilang ahensya ng gobyerno.

Sinabi naman ni ARTA Director General Jeremiah Belgica, para mas mapabilis ang transaksyon lalo na sa lokal na pamahalaan ay dapat magkaroon ng iisang polisiya ang mga Local Governtment Unit (LGUs) sa pag-iisyu ng pemrit sa buong bansa.

“Standardizing po ng permits and licenses. Tanggalin yung ibang mga kalabisan sa ibang LGU and everybody follows that. Second, we can already automate them kasi uniform po yung kanilang proseso at maikabit natin doon sa central business portal.” – ARTA Director General Jeremiah Belgica

Facebook Comments