Manila, Philippines – Inaprubahan na sa ikatlo at huling pagbasa ng Senado ang panukalang pagbibigay ng dalawangpu’t limang taong prangkisa sa Solar Para sa Bayan Corporation (SPBC).
Ito ay ang korporasyon na pag-aari ng anak ni outgoing Senator Loren Leragda na si Leandro Leviste.
Nasa 16 na senador ang bomotong Yes para sa nasabing panukala habang nag-abstain naman si Legarda bilang delikadesa.
Ang korporasyon ay binibigyan ng poder na mag-supply ng solar power sa mga barangay, munisipalidad, lungsod at mga lalawigan na tinukoy ng Department of Energy (DOE).
Ito ay sa Aurora, Batangas, Bohol, Cagayan, Camiguin, Compostella Valley, Davao Oriental, Isabela, Masbate, Misamis Occidental, Occidental Mindoro, Palawan at Tawi-Tawi.
Facebook Comments