Panukalang magbibigay ng proteksyon sa financial consumers mula sa dumaraming cybercrimes, papalagdaan na kay Pangulong Duterte

Ipapadala na sa Malacañang para lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte para maging ganap na batas ang panukalang Financial Consumers Protection Act.

Ayon kay committee on public services chairman senator grace poe layunin ng panukala na mabigyan ng mas maigting na proteksyon ang financial consumers mula sa dumaraming cybercrimes.

Paliwanag ni Poe, hangad ng panulala na matiyak na hindi maglalaho ang perang pinaghirapan ng publiko dahil sa hacking ng bank account.


Bibigyan ng panukala ng adjudicatory power para resulbahin ang reklamo ng financial consumers ang mga financial regulators ng gobierno ito ay ang bangko sentral ng pilipinas, securities and exchange commission, insurance commission at cooperative development authority

Maaari nilang utusan ang mga financial institution na agad ireimburse ang biktima ng finacial fraud o cybercrime at maaari na sila ang magdemanda sa korte para sa biktima

Aatasan naman ang lahat ng financial service provider na dapat laging may cyber security mechanism.

Maaari namang ipagbawal ng bangko sentral ang koleksyon ng sobra at hindi makatwirang fees o charges sa financial transaction para sa kapakanan ng consumer.

Facebook Comments