Panukalang magbibigay proteksyon sa mga guro laban sa mga maling akusasyon ng child abuse, aprubado na sa House Committee level

Inaprubahan na ng House Committee on Basic Education and Culture ang panukalang magbibigay proteksyon sa mga guro laban sa mga maling akusasyon o paratang ng “child abuse.”

Target ng panukala na amyendahan at isaad sa Republic Act 7610 o Child Abuse Law na anumang aksyon ng guro o staff ng paaralan na umaayon sa “disciplinary rules and procedures” ng Department of Education (DepEd) ay hindi ituturing na child abuse.

Paliwanag ng chairman ng komite na si Pasig Rep. Roman Romulo, kawawa ang mga guro na kahit walang ginawang masama ay nakakasuhan ng child abuse kaya hindi nila nakukuha ang kanilang benepisyo tulad ng retirement pay.


Gayunpaman, tiniyak naman ni Romulo na may “safeguards” at proteksyon din para sa mga estudyante.

Binigyang diin naman ni ACT Teachers Party-list Rep. France Castro na siyang may-akda ng panukala, na kung may proteksyon para sa mga batang estudyante ay kailangang maprotektahan din ang mga guro.

Facebook Comments