Panukalang magbibigay proteksyon sa mga lupang pang agrikultura, lusot na sa Kamara

Lusot na sa ikatlo at huling pagbasa ng Mababang Kapulungan ang House Bill 8162 o panukalang National Land Use Act.

262 na mambabatas ang bumotong pabor sa panukala na kabilang sa priority legislation ng Marcos Jr., administration.

Layunin nito na maglatag ng polisiya para protektahan ang mga lupang sakahan, irrigated at irrigable lands, lupa para sa high-value crops, at ibang lupang pang-agrikultura sa conversion na magreresulta sa problema sa kalikasan.


Nakapaloob sa panukala ang pagtatag ng National Land Use Commission sa ilalim ng Office of the President na siyang papalit sa National Land Use Committee.

Facebook Comments