Manila, Philippines – Hinihintay na lamang ang pirma ni Pangulong Rodrigo Duterte sa panukalang batas na magbubuwag sa “Road Board.”
Nabatid na natanggap ng Presidential Legislative Liaison Office (PLLO) sa Palasyo ng Malacañang ang nasabing panukalang batas.
Kung sakaling hindi ito maaksyunan ng Pangulo ay awtomatikong magiging ganap na batas ito.
Sinigurado naman ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na pipirmahan ni Pangulong Duterte ang panukalang batas dahil siya mismo ang nag-utos nito.
Umaabot sa 12 bilyong piso ang nakokoleta ng “road board” mula sa road user’s tax taon-taon.
Matatandaang, sinabi ng punong ehekutibo na nais niyang buwagin ang nasabing ahensya upang hindi magamit ang nakokolektang pondo sa korapsyon.
Facebook Comments