MANILA – Isinulong ni Senatorial candidate Francis Tolentino ang panukalang magkaroon ng batas para magsagawa ng regular na earthquake drill.kasunod ito ng malalakas na lindol sa Japan noong nakaraang linggo at kahapon sa Ecuador.Ayon kay Tolentino, mahalaga ang pagsasagawa ng regular na earthquake drill kahit dalawang beses kada taon, para masanay ang mga tao na tumugon nang tama at hindi mag-panic kapag nagkaroon ng malakas na lindol.Katulad ito ng Metro Manila Shake Drilll noong 2015 na inilunsad ng Metro Manila Development Authority (MMDA) na pinangunahan ni Tolentino.Bukod dito sa ilalim rin ni dating MMDA Chairman Tolentino nabuo ang Oplan Yakal Earthquake Contingency Plan na naglalatag ng sistematikong pagtulong ng mga rescue workers at otoridad kapag magkaroon ng malakas na lindol.
Panukalang Magkaroon Ng Batas Para Magsagawa Ng Regular Na Earthquake Drill, Isinulong
Facebook Comments