Umaasa ang Philippine National Police na uusad na sa kongreso ang panukalang magkaroon ng DNA database system.
Sinabi ni Brig. General Rolando Hinanay, director ng PNP Crime Laboratory na napapanahon na para maipasa ang DNA Database System.
Ginawa ni Hinanay ang pahayag sa symposium sa Camp Crame na dinaluhan ng mga International Forensic Expert.
Ayon kay Hinanay, malaking tulong kung maipapasa ang House Bill 7215 na naglalayong makakuha ng DNA sample sa mga naaaresto.
Kabilang na dito ang crime scene suspected person, convicted offender, detainee, drug dependents at iba pa.
Mas mapapadali aniya ang paglutas ng krimen dahil matibay na ebidensya ang DNA sa korte para magdidiin ng akusado sa kaso.
Inihalimbawa nya dito ang kaso ni Christine Lee Silawan, ang 17 taong gulang na babaeng pinatay at binalatan ang mukha sa Cebu.
Sinabi ng opisyal , nagtugma ang DNA ng suspek sa kutsilyo na ginamit sa pagpatay kay Silawan na naging dahilan para sa pagkakaaresto ng suspek.