Panukalang maglagay ng aircon sa public schools, isinantabi ng DepEd

Isinantabi ng Department of Education (DepEd) ang mga mungkahi na maglagay ng mga air conditioner sa public schools sa gitna ng mainit na panahon.

Ayon kay DepEd Spokesperson Michael Poa, may budget restrictions kasi ang kagawaran at marami pang problema sa mga classroom ang dapat paggastusan.

Gayunpaman, maaari naman aniyang maipagpatuloy ang pag-aaral kahit mainit ang panahon sa pamamagitan ng Alternative Delivery Modes.


Ipinaubaya na ng DepEd sa school heads ang pagpapasya kung sususpendihin ang face-to-face classes at lilipat muna sa modular distance learning dahil sa mainit na panahon o sa iba pang sitwasyon na nakaaapekto sa pag-aaral gaya ng power outages.

Facebook Comments