Sa botong pabor ng 258 mga kongresista ay lumusot na sa ikatlo at huling pagbasa ng Mababang Kapulungan ang House Bill 6557 o panukalang Magna Carta for barangay health worker o BHWs.
Base sa panukala, bibigyan ang BHWs ng monthly honoraria na P3,000 hazard allowance, subsistence allowance for meals na P100; at transportation allowance na P1,000 kada buwan.
Nakapaloob din sa panukala ang one-time gratuity cash incentive na hindi bababa sa P10,000 bilang pagkilala sa katapatan at dedikasyon ng BHW na nagserbisyo sa loob ng 15 taon at mayroon din silang cash gift tuwing Disyembre.
May health benefits din sa ilalim ng panukala para sa BHWs tulad ng libreng pagpapagamot, pagpapaopera, gamot at iba pang laboratory test at confinement sa ospital.
Inaatasan din ng panukala ang Government Service Insurance System (GSIS) na magbigay ng insurance coverage and benefits sa mga BHWs.
Kung magkakaskit o magtatamo ng pinsala ang BHW habang gumaganap sa tungkulin ay bibigyan ito ng disability benefits na katumbas ng P2,000 sa bawat taon ng serbisyo nito.