Panukalang Magna Carta on Religious Freedom Act, lusot na sa ikalawang pagbasa ng Kamara

Nakatawid na sa ikalawang pagbasa ng mababang kapulungan ang House Bill 6492 o panukalang “Magna Carta on Religious Freedom Act.”

Layunin ng panukala na maipatupad ang karapatan ng mga tao sa “religious freedom” na ginagarantiyahan ng Konstitusyon.

Binibigyang-proteksyon ng panukala ang karapatan ng sinuman na pumili ng relihiyon o religious group at karapatang gawin o ihayag na religious belief, practices, at iba pang aktibidad.


Kasama ding isinusulong nito ang karapatang kumilos o maghayag batay sa konsensya, karapatang ipakalat ang paniniwala kaugnay sa relihiyon at marami pang iba.

Iniuutos naman ng panukala ang pagbuo ng “religious freedom hotline” sa pamamagitan ng Department of Justice (DOJ).

Kapag maging batas, ang lalabag ay mahaharap sa parusang kulong mula 8 hanggang 10 taon at multa na ₱100,000 hanggang ₱500,000.

Facebook Comments