Panukalang Magna Carta para sa kalahating milyong seafarer, isinalang sa plenaryo ng Senado

Inendorso na sa plenaryo ng Senado ni Committee on Labor Chairman Senator Joel Villanueva ang panukalang Magna Carta of Filipino Seafarers.

Ayon kay Villanueva, layunin ng panukala na mabigyang proteksyon ang karapatan ang higit sa kalahating milyong seafarers na Pilipino.

Giit ni Villanueva, dapat lang magkaroon ng “lifeboat” ng karapatan at pribilehiyo ang mga Pinoy seafarers na patuloy na sumasaklolo sa ekonomiya ng bansa sa pamamagitan ng pagpapadala ng ₱1-bilyong remittance kada araw.


Diin pa ni Villanueva, mahalaga ang panukala para sa mga Pinoy seafarers lalo na sa panahon ng pandemya kung kailan kailangan nila ng ibayong proteksyon sa banta sa kanilang mga trabaho, kaligtasan at kalusugan.

Facebook Comments