Inendorso ng House Committee on Overseas Workers Affairs ang House Bill 7718 na mag-aamyenda sa Labor Code of the Philippines o Presidential Decree 442.
Layunin nito na mapadali para sa mga prosekutor ng gobyerno na usigin ang sindikato na sangkot sa illegal recruitment upang maproteksyunan ang publiko.
Sa ilalim ng panukala ang illegal recruitment ay ituturing na ginawa ng isang sindikato kung ang sangkot dito ay dalawa o higit pang indibidwal.
Base sa panukala, kapag ang illegal recruitment ay ginawa ng sindikato, ito ay ituturing na economic sabotage na may parusang habambuhay na pagkakakulong at multang ₱100,000.
Facebook Comments