Panukalang magpapahintulot sa 100% pagmamay-ari ng mga dayuhan sa airline at telecommunication firms, niratipikahan ng Senado

Niratipikahan na ng Senado ang Bicameral Conference Committee report ukol sa panukalang nag-amyenda sa ilang probisyon sa 85 taong gulang na Public Service Act.

Ito ay para pahintulutan ang 100 percent foreign ownership sa mga airline, telecommunication firms at domestic shipping.

Ayon kay Senator Grace Poe na chairman ng Senate Committee on Public Services, layunin nito na mahikayat sa bansa ang pagpasok ng mas maraming pamumuhunan mula sa mga dayuhan.


Binigyang diin ni Poe na may safeguards at security provisions naman ang panukala para hindi ito maabuso.

Facebook Comments