Panukalang magpapahintulot sa mga Muslim na ilibing kahit walang death certificate, lusot na sa ikalawang pagbasa ng Kamara

Nakatawid na sa ikalawang pagbasa ng House of Representatives ang House Bill 8925 o panukalang Philippine Islamic Burial Act.

Sa ilalim na panukala ay pinapahintulutan na mailibing ang mga pumanaw na kapatid nating Muslim, sang-ayon sa kanilang tradisyon, kahit wala pang death certificate.

Binibigyan ng panukala ng exemption sa pangangailangan na mairehistro kaagad ang pagkamatay ng mga pumanaw na Muslim bago ito ilibing.


Inuutos naman ng panukala na i-report ang Islamic burial rite sa lokal na health officer sa loob ng 30 araw mula sa araw ng paglilibing para magawa ang death certificate.

Pinagbabawalan din ng panukala ang mga ospital, medical clinic, punerarya, morgue, custodial o prison facility at mga katulad na pasilidad na huwag palabasin ang bangkay ng isang Muslim dahil sa hindi pa nababayarang obligasyon nito.

Facebook Comments