Panukalang magpapaikli sa oras ng pagtuturo ng mga public school trachers, inihain sa Kamara

Mula sa kasalukuyang walong oras ay pinalilimitahan ni Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez sa anim na oras lamang ang oras sa pagtuturo ng mga guro sa mga pampublikong paaralan.

Nakapaloob ito sa inihaing House Bill No. 7822 ni Rodriguez na layuning maisulong ang kapakanan ng mga public school teachers na tiyak magbubunga ng pag-angat sa kalidad ng edukasyon sa bansa.

Sabi ni Rodriguez, kung anim na oras lamang ang gugugulin ng mga guro sa pagtuturo ay mailalaan nila ang nalalabing 2 oras ng kanilang trabaho sa paggawa ng lesson plans at mga instructional materials.


Dagdag pa ni Rodriguez, magkakaroon din ng panahon ang mga guro na makipaghalubilo ng mahusay sa mga estudyante tuwing mayroong co-curricular activities, at maglaan ng panahon para sa student-parent consultations.

Binanggit ni Rodriguez na kailangan din ng mga guro ng oras para asikasuhin ang iba pang pinapagawa sa kanila ng principal o superior nila.

Facebook Comments