Panukalang magpapalakas sa industriya ng sapatos, isinulong sa Kamara

Inihain ni Marikina Rep. Stella Luz Quimbo ang House Bill No.491 o panukalang lalo pang mapalakas sa industriya ng sapatos sa bansa.

Kapag naging batas ang panukala ni Quimbo ay magbibigay ito ng “developmental incentives” sa mga pamumuhunan sa mga modernong makinarya at kagamitan at sa mga bagong teknolohiya.

Naghahanap din si Quimbo ng mapagkuhanan ng pondo para mabigyan ng dagdag na suporta ang mga local manufacturers ng sapatos.


Isa sa nakikita ni Quimbo na maaring pagkuanan ng pondo ay ang duties and taxes sa mga imported footwear.

Kaugnay nito ay umapela naman si Quimbo sa Department of Budget and Management (DBM) at Department of Finance (DOF) na makipag-ugnayan sa National Economic and Development Authority (NEDA) at Department of Trade and Industry (DTI) para magsumite ng position paper kung paano nila masuportahan ang mga lokal na industriya.

Facebook Comments