Panukalang magpapalakas sa kapangyarihan ng DOH para makapagpatupad ng lockdown, inihain sa Senado

Inihain ni Senator Francis Tolentino ang Senate Bill Number 1408 o Health Emergency Lockdown Act na mag-aamyenda sa Quarantine Act of 2004.

Hakbang ito ni Tolentino sa harap ng patuloy na pagtaas ng kumpirmadong kaso ng COVID-19.

Layunin nito na palakasin ang kapangyarihan ng department of health o doh para makapagpatupad ng lockdown at makapagsuspinde ng klase kapag umiiral ang Public Health Emergency.


Binibigyan din ng panukala ng kapangyarihan ang doh na magtalaga ng mga ospital na gagawing containment area.

Diin ni Tolentino, kelangang palakasin ang kakayahan ng DOH para agad maiwasan ang pagkalat ng sakit ay mayugunan ang pangangailangan ng mga taong maysakit saan mang panig ng bansa.

Facebook Comments