Panukalang magpapalakas sa PPP, aprubado na

Aprubado na sa ikatlo at huling pagbasa ng Mababang Kapulungan ang House Bill 6527 o panukalang Public-Private Partnership Act na layuning maparami ang matatapos na infrastructure at iba pang development projects ng gobyerno.

254 na mga kongresista ang bomoto pabor sa panukala at tatlo lang ang kumontra.

Sa ilalim ng panukala, bukod sa national government ay maaari na ring gamitin ng mga lokal na pamahalaan ang Public-Private Partnership para sa mga proyekto sa kani-kanilang hurisdiksyon.


Kapag humigit sa P5 bilyon ang halaga ng proyekto, ito ay kailangang aprubahan ng National Economic Development Authority (NEDA) Board matapos irekomenda ng Investment Coordination Commission o ICC ng NEDA.

Ang mga proyekto naman na mula tatlo hanggang limang bilyong piso ay kailangang isumite at paaprubahan sa ICC-NEDA.

Kung nagkakahalaga naman ang proyekto ng tatlong bilyong piso pababa, ito ay dapat aprubahan ng pinuno ng head department o agency kung saan konektado ang ahensyang magpapatupad nito.

Iniuutos naman ng panukala ang contract disclosure at ang lahat ng PPP projects ay maaari ding buksan ng Commission on Audit (COA).

Facebook Comments