Panukalang magpapalakas sa PPP, aprubado na sa House Committee level

Aprubado na ng House Committee on Public Works na pinamumunuan ni Surigao del Sur Rep. Romeo Momo ang substitute bill na mag-aamyenda sa Build-Operate-Transfer o BOT Law.

Ayon kay Momo, layunin ng panakula na lalo pang palakasin Public-Private -Partnership o PPP para higit na makahikayat ng mga mamumuhunan para sa mga proyektong pakikinabangan ng publiko.

Binanggit naman ni House Ways and Means Committee Chairman Albay Representative Joey Salceda, na isa sa may akda ng panukala, trilyong pisong halaga ng corporate at private sector fund ang maibubuhos sa infrastructure projects ng pamahalaan oras na maisabatas ang PPP Law.


Binanggit ni Salceda na kabilang sa probisyon ng panukala ang institutionalization ng PPP pipeline project gayundin ng malinaw na panuntunan at kahulugan ng unsolicited and solicited proposals.

Kasama rin dito ang probisyon ukol sa approval mechanisms, pagpapatupad ng Generic Preferred Risk Allocation Matrix at pagbuo ng isang PPP pre-qualification, bids and awards committee.

Facebook Comments