Nakatawid na sa ikalawang pagbasa ng Mababang Kapulungan ang House Bill 6527 o panukalang Public-Private Partnership Act na layuning maparami ang matatapos na proyekto ng gobyerno.
Sa ilalim ng panukala, bukod sa national government ay maari na ring gamitin ng mga lokal na pamahalaan ang Public-Private Partnership para sa mga proyekto sa kani-kanilang hurisdiksyon.
Base sa panukala, ang mga PPP project ng national government na nagkakahalaga ng hanggang P5 bilyon ay daraan sa PPP Center.
Kapag humigit sa P5 bilyon, ito ay kailangan ng aprubahan ng National Economic and Development Authority (NEDA) Board matapos irekomenda ng Investment Coordination Commission ng NEDA.
Iniuutos naman ng panukala ang contract disclosure at ang lahat ng PPP projects ay maaari ding buksan ng Commission on Audit.