Pasado na sa ikatlo at huling pagbasa ng Kamara de Representantes ang panukalang batas na maglalatag ng mekanismo para mapag-ibayo at maging epektibo ang pagpapatupad ng nationwide tree-planting program.
233 mga kongresista ang bomoto pabor sa panukalang House Bill No. 8568, na mag-aamyenda sa ilang probisyon ng Republic Act No.10176, o “Arbor Day Act of 2012”.
Ang panukala ay nagsisilbi ring suporta sa kasalukuyang Arbor Day Committee sa iba’t ibang Local Government Units (LGU) sa pamamagitan ng pagsali ng field officers mula sa National Commission of Indigenous Peoples.
Inaatasan ng panukala ang mga LGU sa tumulong sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) na tukuyin ang mga lugar na pagtataniman ng iba’t ibang uri ng puno at halaman kasama ang kawayan.
Ang Department of the Interior and Local Government (DILG) naman ang inaatasan na bantayan ang implementasyon ng RA No.10176 at magsusumite ng taunang ulat sa Congressional Oversight Committee.