Panukalang magpapalalakas sa government financial institutions, lusot na sa Kamara

Pinagtibay na ng Mababang Kapulungan sa ikatlo at huling pagbasa ang House Bill 1 o Government Financial Institutions Unified Initiatives to Distressed Enterprises for Economic Recovery o GUIDE Bill.

282 mga kongresista ang bumoto pabor sa panukala na unang legislative measure na inihain ni House Speaker Martin Romualdez at isa sa Legislative Executive Development Advisory Council (LEDAC) priority measures.

Layunin ng panukala na palakasin ang government financial institutions upang mapalawak ang kanilang pautang sa Micro, Small and Medium Enterprises o MSMEs na naapektuhan ng pandemiya.


Sa ilalim ng panukala ay maglalaan ng P10 bilyon para sa lending program ng GFIs kung saan ang P7.5 billion ang para sa Land Bank of the Philippines at P2.5 billion ang para sa Development Bank of the Philippines.

Ang Land Bank ang magbibigay ng pautang sa mga negosyo na may kinalaman sa agribusiness value chain, habang ang DBP naman ang magpapautan sa mga MSME na may kinalaman sa imprastraktura, service industry, at manufacturing.

Facebook Comments