Sa botong pabor ng 268 mga mambabatas ay lumusot sa ikatlo at huling pagbasa ng Mababang Kapulungan ang House Bill 7387 o panukalang magpapalawak sa mga serbisyo ng Philippine Crop Insurance Corporation o PCIC.
Target din ng panukala na mapag-ibayo ang partisipasyon ng pribadong sektor sa agricultural insurance.
Aamyendahan ng panukala ang Presidential Decree 1467 na lumikha sa PCIC upang masakop ng serbisyo nito ang lahat ng agricultural commodity.
Halimbawa nito ang palay crops at iba pang pananim gayundin ang non-agricultural assets tulad ng livestock, aquaculture and fishery, agroforestry, forest plantations, pati na rin ang makinarya, kagamitan, traportasyon at imprastraktura maging ang production inputs ng magsasaka.
Layunin ng panukala na mapo-protektahan ang mga magsasaka sa banta ng pagkalugi dahil sa mga kalamidad o kaya ay mga peste at sakit sa mga hayop tulad ng ng African Swine Fever at sa mga pananim tulad ng rice Tungro virus.