Sa botong pabor ng 242 na mambabatas ay nakapasa na sa ikatlo at huling pagbasa ng Mababang Kapulungan ang House Bill 6524 o panukalang magpapalawig sa implimentasyon ng Agricultural Competitiveness Enhancement Fund o ACEF hanggang 2028
2005 ang orihinal na petsa ng pagtatapos ng programa ngunit napalawig ito hanggang 2015 at hanggang 2022.
Layunin ng panukala na patuloy na mapakinabangan ng sektor ng agrikultura ang kita mula sa taripang ipinapataw sa importation ng minimum access volume.
Pangunahing pinaglalaanan ng naturang koleksyon ay ang pagpapabuti ng agricultural infrastructure at machinery tulad ng irrigation system, farm-to-market roads at post-harvest facilities.
Inaasahang makakatulong din ang ACEF upang makapag-produce din ng mga graduate ng agricultural courses dahil sa pinagkakaloob nitong scholarship.