Inaasahang tatalakayin na ngayong linggo sa Kamara ang panukalang magpapalawig sa validity ng 2021 national budget.
Sa ilalim ng House Bill 10373 na inihain ni House Committee on Appropriations Chairperson Representative Eric Yap, layon nitong i-extend pa ang paggamit sa 2021 appropriations hanggang Disyembre 31, 2022.
Paliwanag nito, may mga programa at proyekto pang pinondohan ng 2021 budget na kailangan ng mga Pilipino.
Aniya, ilan kasi sa budget allotments ng mga proyekto ang naantala dahil sa nagpapatuloy na COVID-19 pandemic.
Nakapaloob rin sa panukala na may otoridad ang Department of Budget and Management na maglabas ng guidelines para sa epektibong cash budgeting system
Matatandaang nasa P4.5 trilyon ang nakalaang budget para sa kasalukuyang taon.